Rutang Kidapawan-Gensan ng Yellow Bus Line aarangkada na simula August 25

You are here: Home


NEWS | 2018/08/25 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY-AUGUST 25 alas singko ng umaga sisimulang babyahe ang rutang Kidapawan-General Santos ng Yellow Bus Line Incorporated.

Ito ay katuparan sa matagal ng plano ng City Government na buksan ang nabanggit na rutang magkokonekta sa Kidapawan City sa mga lungsod ng Gensan, Koronadal at Tacurong at mga bayan sa Maguindanao, Sultan Kudarat at South Cotabato sa pamamagitan ng �one way route�.

Sa pamamagitan nito ay mas mapapadali na ang pagbabyahe sa nabanggit na lugar pati na ang pagluluwas ng mga produkto mula sa Kidapawan City.

Babyahe ang mga bus ng YBL via Kidapawan City-Calunasan M�lang Road.

Tatahakin nito ang Tulunan, Datu Paglas at Buluan sa Maguindanao, La Ezperanza at Pres.Quirino sa Sultan Kudarat saka hihinto pansamantala sa Tacurong City.

Mula Tacurong, tatahakin pa-timog ng YBL ang Tantangan, Koronadal City, Tupi, at Polomolok sa South Cotabato bago makarating ng General Santos City.

Aabutin ng tatlong oras ang byaheng Kidapawan City-General Santos City.(CIO/LKOasay)



@ 2015 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio